130

Sep 9, 2021 @ 17:09
By

Trillanes: Robredo sure winner sa pagka-pangulo

Sigurado si dating senador Antonio Trillanes IV na mananalo si Vice President Leni Robredo kapag tumakbo ito sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Sa Twitter post, umaasa ang dating mambabatas na tumakbo si Robredo.

“Let’s hope that VP Leni would run because she would surely win if she does,” saad ni Trillanes.

Tugon niya ito sa isang netizen na tumawag sa kanyang “best presidential bet” para sa bansa.

“Trillanes is the better option than Pacquaio. We should stop thinking about who is winnable. We should always think who is the best. And the best for our country is Trillanes NOT the boksingero,” comment ni @OryangOryang.


Nagpasalamat naman si Trillanes sa suporta ng naturang netizen: “Thank you for the trust and support, ma’am. Be assured that we are prepared to answer the call of duty in case the situation warrants it.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?