202
Foreign Affairs Secretary West Sea
May 30, 2018 @ 9:41

Trillanes: Puro ‘PR’ lang si Cayetano

Tinawanan lamang ni Senador Antonio Trillanes ang pahayag ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na makikipag-giyera diumano si Pangulong Rodrigo Duterte sa China kapag inagaw ang lahat ng natural resources sa South China Sea.

“Alam nyo puro sila sinungaling eh itong mga ganyang statements na yan ay para i-appease ang sambayanang Pilipino kasi nag a-alboroto na sa kanilang handling sa West Philippine Sea issue,” reaksoyon ni Trillanes.

“Talagang bumibigay na lang at ibinebenta ang ating posisyon. So yang mga ganyan that’s a PR (public relations) stunt to reverse a public sentiment,” dagdag pa nito.

Sabi ni Trillanes, ang pahayag ni Cayetano ay taliwasa sa naunang ssinabi ni Duterte na hindi siya makikipagdigmaan sa China dahil wala aniyang kalaban-laban ang Pilipinas sa naturang higanteng bansa.

“Kaya mo nga masasabi na publicity stunt lang ito, propaganda lang kasi alam nilang tinatamaan sila sa publiko doon sa pagkaduwag dyan nila sa isyu na yan,” ayon kay Cayetano.

“Kaya kailangan magmatapang ng konti. Pero kilala nyo naman si Sec. Cayetano kung ano ang kartada nyan. Hindi naman matapang ‘ya eh sa kahit anong issue,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?