229

Oct 15, 2018 @ 11:13
By

Trillanes pumuntang Comelec para suportahan si Alejano

Nagtungo si Senador Antonio Trillanes IV para ipakita ang suporta sa Magdalo party-list respresentative na si Gary Alejano na inaasahang maghahain ngayong araw ng kandidatura sa pagka-senador.

“I came here to support the filing of candidacy of Congressman Gary Alejano for senator at yung aming partylist yung Magdalo,” saad ni Trillanes sa biglaang interview ng mga reporter. “So being the chairman ay pamumunuan natin ang pagfa-file.”

Si Alejano ay ieendorso ng koalisyon ng oposisyon na Tindig Pilipinas, kasama sina De La Salle University College of Law dean Jose Manuel ‘Chel’ Diokno, at Marawi civic leader Samira Gutoc-Tomawis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?