45

Oct 15, 2017 @ 13:47

Trillanes: Praning lang sila, walang destab plot kay Duterte

Idiniin n Senador Antonio Trillanes IV na wala namang destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa senador, mismong sina sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang maraming beses nang nagsabi na wala ngayong nagbabanta na pabagsakin ang gobyerno.

“Ka-praningan yan. Wala namang destabilisasyon. Ang destabilisasyon nagre-recruit kayo ng mga sundalo na magsasagawa ng coup. Kahit ang DND (Department of National Defense) at AFP (Armed Forces of the Philippines) na ang nagsabi na wala silang nahahagip,” sabi ng Trillanes.

“Kapag ganyan, kaprangingan at political persecution,” diin pa nito.

Sa taped interview noong Huwebes, nagbanta ang Pangulo na magdedeklara ng destabilisasyon kapag umabot na sa gulo ang mga pagbabanta sa kaniyang pamumuno.

“Pag ang destabilization ninyo patagilid na at medyo magulo na, I will not hesitate to declare a revolutionary government until the end of my term,” pahayag ni Duterte.

“I will arrest all of you and we can go to a full-scale war against the Reds,” mariin niyang banta. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?