33

By

Trillanes pinasisiyasat sa Senado ang militarisasyon ng China sa WPS

Sharing is caring!

Naghain ngayon si Senador Antonio Trillanes IV ng resolusyon kung saan ipinabubusisi sa Senate committee on national defense and security ang pagtatayo ng China ng missile systems sa tatlong bahura sa Spratly Islands.

Sa Senate Resolution No. 722, sinabi ni Trillanes na kailangan nila itong dinggin para mailatag ang dapat gawin ng bansa para maigiit ang pagmamay-ari nito sa West Philippine Sea (WPS) at upang masiguro na hindi rito magdudulot ng banta ang militarisasyon na ginagawa ng China.

Idinin ni Trillanes na kahit pinalakas ang ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas at China, hindi maaring ipagwalang bahala ang militarisasyon ng WPS.

Ayon sa senador, sa pagdinig ng Senado, kailangang maigiit ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitration case laban sa China.

Dito rin umano maaring palakasin ang panawagan na tumulong sa pagpapahinto ng militarisasyon ng WPS ang mga regional partner ng Pilipinas gaya ng America, Japan, Australia at Association of South East Asian Nations (ASEAN)

Maari naman aniyang maging closed-door ang Senate inquiry kung may implikasyon sa pambansang seguridad ang tatalakayin pero isasapubliko nila ito kapag may mga bagay na pwedeng malaman ng publiko.

Tinukoy ni Trillanes sa kaniyang resolusyon ang umanoy intelligence report ng America na nagtayo ang China ng anti-ship cruise at surface-to-air missile systems sa Spratlys nitong nakaraang 30 araw.

Umano ay naitayo na iyon sa Fiery Cross Reef, Subi Reef at Mischief Reef sa Spratly Islands.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?