230

Dec 28, 2017 @ 17:14
By

Trillanes pinamaskuhan ng civil case nina Pulong, Carpio

Kasong sibil ang pamasko ni Presidential son Paolo ‘Pulong’ Duterte at bayaw na si Manases Carpio kay Senador Antonio Trillanes IV dahil sa pagsasangkot sa kanila sa P6.4 billion smuggled na shabu sa Bureau of Customs (BOC).

Ang kaso ay isinampa ng mag-bayaw sa Office of the Clerk of Court sa Davao City noong Disyembre 27 at nai-raffle sa Regional Trial Court Branch 15 sa sala ni Judge Mario Duaves.

Matatandaang nakaladkad ang pangalan nina Paolo at bayaw na si Carpio sa umano’y smuggling at katiwalian sa BOC at humarap pa sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 7 para sagutin ang paratang na nagmula kay Senador Trillanes.

Sa naging pahayag noon ni Atty. Carpio, bumisita siya sa BOC dahil ikinakatawan nito ang kanyang kliyente na mayroong transaksiyon sa ahensiya.

Itinanggi naman ni noon ay Davao City Vice Mayor Paolo ang lahat ng akusasyon ni Trillanes at hindi pinatulan ang hamon na ipakita ang dragon tattoo umano nito na patunay na miyembro ito ng drug syndicate

Kasalukuyang nakabakasyon si resigned Vice Mayor Duterte hanggang Disyembre 31 at posibleng ma-extend hangga’t hindi tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?