1,302

By

Trillanes pasado sa drug test, hinamong magpasuri rin si Duterte

Sharing is caring!

Negatibo sa iligal na droga si Senate President Tito Sotto, kasama ang lima pang senador.

Maliban kay Sotto, ang mga senador na lumahok din sa drug test ay sina Juan Miguel Zubiri, Gregorio Honasan, Loren Legarda, Paolo Benigno Aquino IV at Antonio Trillanes IV.

Kasama rin ang 300 empleyado sa napasama sa sorpresang drug test, na ginawa ang pagte-test noong July 30 at ngayon lumabas ang resulta.

Saad ni Sotto, hindi ginagawa ang drug test para bilang maging parte ng pag-hunting sa mga adik, ngunit para maging aware ang publiko na ang mga opisyal ay drug-free.

“Part of prevention is drug testing,” pakli ni Sotto.

Para naman kay Zubiri, sinabi nitong kinakailangan talaga ang drug test sa mga opisyal lalo’t humaharap ang mga ito sa mga sensitibong posisyon na may malaking ambag sa lipunan.

“Government should take the lead and implement this policy (of drug testing) with all its employees… especially those handling sensitive positions dealing with security issues, elected officials and high appointed posts,” ayon kay Zubiri.

Samantala, hinamon naman ni Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte na magpa-drug test din upang magbigay ng magandang ehemplo sa ibang government official.

“Duterte and his family should also live by example. Thus I am challenging them to do the same,” ayon kay Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?