136

By

Trillanes papaimbestigahan ang milyong pisong public work contracts ng pamilya ni Go

Sharing is caring!

Uusisain ni Senador Antonio Trillanes IV ang diumanong maanolmalyang multi-billion-peso public works contracts na iginawad sa kompanyang hawak ng ama at half-brother ni Special Assistant to the President Bong Go.

“This afternoon, I will be filing a resolution calling for an investigation sa mga proyektong nakuha ni Bong Go sa gobyerno, amounting to billions of pesos,” saad ni Trillanes sa isang press conference.

“Mga construction projects ito sa kompanya niya at kanyang pamilya. So maliwanag na corruption ‘yan,” dagdag pa nito.

Wala naman ito umanong kinalaman sa pagbawi ng kanyang amnestiya ni Pangulong Rodrigo Duterte at isinaad na dati na niya itong ginagawa.

“Ginagawa ko ito kasi ito na ang dati kong ginagawa simula’t sapul. Kung may revenge, sila ‘yun kasi hindi naman ako ang nag-iimbento,” mariing pahayag ng senador.

Nauna nang idinepensa ni Go ang kanyang sarili na iginiit na wala itong kinalaman sa nasabing transaksyon dahil public bidding aniya ang mga proyekto at hindi nito kontrol ang Department of Public Works and Highways o nakipag-usap sa kahit sinuman sa ahensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?