509

Jun 11, 2019 @ 13:20
By

Trillanes: Pangakong 5 minutes travel time mula Cubao hanggang Makati, budul-budol!

Muling binira ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong ang bagong pangako ni Duterte na aayusin ang trapiko at magiging 5 minuto na lamang ang byahe mula Cubao patungong Makati ay isang uri ng ‘budul-budol’ scam.

Bukod sa naturang pag-aayos ng trapiko mula Cubao hanggang Makati ay ipinangako rin ni Duterte na reresolbahan niya ang mga pagkaantala ng mga flight sa loob lamang ng isang buwan.

Sa press conference nitong Martes sa Senado, hiningian si Trillanes ng komento hinggil dito.

“Hindi ba tayo nadala sa three to six months?” saad ni Trillanes na ang tinutukoy ay ang pangako ni Duterte na wawakasan sa loob ng anim na buwan ang problema sa droga.

“Kung budol-budol, ilang beses na tayong na budol-budol hindi pa rin tayo natuto,”ani Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?