150

By

Trillanes nasa kustodiya ni Sotto, ‘magtatago’ sa Senado

Sharing is caring!

Nasa ilalim ngayon ng kustodiya ni Senate President Vicente Sotto III si Senador Antonio Trillanes IV.

“I was placed under the custody of the Senate President,” pahayag ni Trillanes matapos makipagpulong kay Sotto kasama ng mga kapwa Senado buhat sa Minority bloc.

Sa payo naman ni Sotto at ng mga kapwa senador, mananatili si Trillanes sa gusali ng Senado para hindi madakip ng pulisya at militar na nag-aabang na rito mula kaninang umaga.

Idiniin ni Trillanes na warrantless arrest ang gustong gawin sa kaniya kaya lalabanan niya ito.

“This is a warrantles arrest kaya lalabanan ko ito,” diin ni Trillanes.

Inihayag naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na inatasan na ni Sotto si Senate Sergeant-at-Arms Jose Balajadia na huwag papasukin sa gusali ang mga pulis at sundalo na inutusang dumakip kay Trillanes.

Kaninang umaga, sinabi ni Trillanes na hindi siya manlalaban at kusa siyang sasama sa mga dadakip sa kaniya.

Matapos payuhan ng mga kapwa senador, sinabi ni Trillanes na hindi siya maaring dakpin at walang dahilan na sumama siya sa mga pulis at sundalo dahil wala namang warrant of arrest laban sa kaniya at wala siyang kinakaharap na kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?