1,883

By

Trillanes nagpatama sa pagtulog ni Duterte: Walang respeto, disiplina!

Sharing is caring!

Binanatan ni Senador Antonio Trillanes IV ang naging dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaya hindi ito nakadalo sa ilang ASEAN Summit ay dahil nag-power nap ito.

Sa kanyang panayam sa dwIZ, sinabi ni Trillanes na hindi dahilan ang puyat at pagod ni Duterte lalo’t maski ang 93-anyos na Malaysian prime minister na si Mahathir Mohamad ay dumalo sa mga pulong.

“Unang-una eh ‘di sana inagahan niya ang alis, sana nakarating sila the night before. ‘Di puwedeng excuse ‘yan dahil ang ibang lider ay uma-attend, ito ngang si Malaysian PM uma-attend. ‘Di lang ‘yan ang na-miss niya, six na event ang na-miss niya tapos umamin siya na patulog-tulog siya,” pakli ni Trillanes.

“Dalawa lang ‘yan, it’s either malubha ang kalagayan niya o talagang tamad siya at iresponsable, kasi ‘di ka naman pumunta diyan as Duterte, you went there as Duterte representing the Philippines. Dito mo makikita na talagang walang kadisi-disiplina itong taong ito, walang respect for any authority, regulation or duty,” dagdag pa niya.

Iniugnay pa ng mambabatas ang ‘di pagsipot ng Pangulo sa ilang meeting sa pagiging pinakadelikado umanong Lungsod ng Davao, pati ang pagtaas ng kaso ng rape sa nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?