144
TNT-ABANTE-TONITE-trillanes
By

Trillanes nagpasaklolo sa CA kaugnay sa kasong rebelyon

Naghain ng petisyon si Senador Antonio Trillanes IV sa Court of Appeals (CA) para pigilan ang pagpapatuloy ng korte sa Makati sa kaso niyang rebelyon.

Batay sa 66-pahinang Petition for Certiorari, Prohibition and/or Injunction na inihain ng senador, hiniling nito sa appellate court na maglabas ng temporary restraining order laban sa ruling ng Makati Regional Trial Court Branch 150 noong September 25 at December 18, 2018 na nagpapatuloy sa kaso niya.

Ang petisyon ng senador ay ilang araw bago ipagpatuloy ng Makati Regional Trial Court Branch 150 ang pagdinig sa kaso niyang rebelyon na itinakda sa Marso 20.

Sa naturang pagdinig ay tatanggapin na ng korte ang mga ebidensiyang nakalap ng prosekusyon laban sa mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?