663

By

Trillanes nagkakasakit na sa loob ng Senado

Sharing is caring!

Mag-iisang linggo na si Senador Antonio Trillanes IV sa loob ng gusali ng Senado mula nang maisapubliko ang Proclamation 572 at ayon sa kasanggang si Magdalo Rep. Gary Alejano, nagsisimula na nitong maramdaman ang pagkahapo.

“Si Senator Trillanes, medyo not feeling well lang dahil he has to talk to so many people and groups hanggang gabi kaya medyo napagod din talaga. Medyo sinisipon,” saad ni Alejano sa mga reporter.

Wala umanong balak si Trillanes na lisanin ang Senate Building hangga’t wala pang desisyon ang Korte ayon sa kanyang kaso.

Nangangamba pa rin ang kampo ni Trillanes sa tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasakamay na ng Korte Suprema ang hatol sa kaso ni Trillanes dahil umano’y mabilis magbago ang usap ng presidente.

Idiniin din nito na isa sa binabantayan nila ay ang mga armed personnel na hindi pa rin pinapabalik ng gobyerno kahit pa walang arrest warrant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?