2,537

Dec 2, 2021 @ 19:38
By

Trillanes: Mga umanib sa Marcos-Duterte tandem ‘iniluwa na ng lipunan’

Minaliit ni dating senador Antonio Trillanes IV ang pagsasanib-puwersa ng apat na political party para suportahan ang tandem nina Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 elections.

Pumasok sa isang kasunduan ang mga partido nina Duterte-Carpio, Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo, dating senador Jinggoy Estrada at dating senador Ferdinand Marcos Jr. at ngayon ay bahagi na ng UniTeam Alliance.

Ang UniTeam Alliance Agreement ay pinirmahan ng Partido Federal ng Pilipinas, Lakas-Christian Muslim Democrats, Hugpong Ng Pagbabago at Pwersa ng Masang Pilipino.

Para kay Trillanes, pabor ito sa oposisyon.

“Liliwanag sa mga kababayan natin na ‘yung mga iniluwa na ng lipunan, ‘yun ‘yung nagsasama-sama. Kung ikaw naghahangad ka ng pagbabago tapos ibabalik mo itong mga ito sa puwesto e di para namang naghanap tayo ng batong ipupukpok sa ulo natin,” aniya sa panayam nina Ina Andolong at Michael Fajatin sa “Politiskoop”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?