99

Sep 11, 2018 @ 17:42
By

Trillanes malapit nang lumabas sa Senate building

Ngayong gabi ng Martes, Setyembre 11, o Miyerkoles, Setyembre 12, ang napipisil na araw na pag-alis ni Senador Antonio Trillanes IV sa gusali ng Senado.

Ito’y kahit na binasura ng Korte Suprema ang petisyon ng senador para sa temporary restraining order na maaring magpatupad ng aresto kay Trillanes sa oras na lumabas ito ng Senado.

“Pinag-uusapan naming. We’re coordinating closely so I can do it tonight or tomorrow,” saad ni Trillanes sa mga reporter.

Ngunit gusto pa ring makasigurado ni Trillanes na walang ‘misinterpretation’ sa pagitan ng Supreme Court at mga kasundaluhan na kailangan muna hintayin ang arrest warrant bago magkabisa ang pag-aresto.

“Dahil alam nyo naman yung delay nyan sa pag-relay nung information, nung orders so titingnan natin kung tama yung basa nila dun sa basa ng mga abugado,” saad ni Trillanes.

Sasama naman aniya si Trillanes sakaling arestuhin siya, ngunit nilinaw na puwedeng makasuhan ang mga ito dahil magiging iligal ang paghuli sa senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?