tnt_gordon
By

Trillanes, Lacson malaki ang utang na loob kay Noynoy – Gordon

Sharing is caring!

Palibhasa meron silang utang na loob kay Noynoy!

Minaliit ni Senador Richard Gordon ang pagtatanggol nina Senador Antonio Trillanes IV at Senador Panfilo Lacson kay dating Pangulong Benigno Aquino Jr. sa Dengvaxia anomaly.

Sa draft report ukol sa Dengvaxia na inakda ni Gordon bilang chairman ng Senate blue ribbon committee, inirekomendang kasuhan ng katiwalian sa Aquino.

Sinabi ni Trillanes na hindi naman napatunayan sa pagdinig ng Senado na nakinabang o nagbulsa ng pera si Aquino.

Ayon naman kay Lacson, makakapagpatunay siyang hindi tiwali si Aquino.

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, natural sa dalawang kapwa senador na ipatanggol si Aquino dahil nabigyan sila ng pabor.

Inungkat na binigyan ni Aquino ng pardon si Trillanes na ipinakulong dahil nagtangkang magkudeta laban sa Arroyo administration.

Diin ni Gordon, dapat ay pinananagot hanggang ngayon si Trillanes dahil ginulo noon ang buong bansa.

Nakauwi naman aniya si Lacson mula sa pagtatago noong makasuhan ito ng murder dahil sa Dacer-Corbito double murder case. Isinampa ang kaso noong Arroyo administration.

Pinal na ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang kaso laban kay Lacson noong nanunungkulan si Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?