494

By

Trillanes kay Sotto: Sorry sa perwisyo

Sharing is caring!

Humingi si Senador Antonio Trillanes IV ng paumanhin kay Senate President Tito Sotto III dahil sa idinudulot niyang perwisyo sa Senado kung saan anim na araw na siyang hindi lumalabas dahil sa panganib na arestuhin ng mga sundalo.

“Talagang nakakaperwisyo din itong sitwasyon na ito sa akin. So humihingi ko ng dispensa kay Senate President Sotto for being inconvenienced and for the obstruction of some Senate operations,” pahayag ni Trillanes sa media briefing kaninang umaga.

Mula noong Martes, Setyembre 4, sa Senado na natutulog si Trillanes at hindi lumalabas ng gusali upang hindi maaresto ng mga tauhan ng Amred Forces of the Philippines (AFP) matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang amnestiya.

Ikinagalit ni Sotto noong magtawag ng taga-suporta ang ilang senador mula sa oposisyon at magpamisa pa sa ikalimang palapag nitong nakaaang Sabado.

Nagalit si Sotto na nagbigay diin na hindi Plaza Miranda ang Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?