465

By

Trillanes kay Robin Padilla: Para kang bata, grow up!

Sharing is caring!

Binalewala ni Senador Antonio Trillanes IV ang kantiyaw ng aktor na si Robin Padilla na nagtatago siya sa saya ng Senado.

Idiniin na hindi niya seseryosohin ang aktor na hindi umaasal nang naaayon sa edad nito.

“Alam n’yo itong si Robin Padilla, ilang taon na ba ito? Bakit hindi ito tumanda? Hindi ito nag-mature? Para kang nasa high school eh. How will I take this guy seriously eh parang high school lang?” Hirit ni Trillanes.

“You grow up. ‘Pag mature na siya, then he can talk to me, I’ll give him my full attention,” dagdag pa nito.

Sa Facebook live video, kinantyawan ni Padilla si Trillanes na nagpasyang hindi lumabas sa Senado dahil inaabangan ng mga pulis at sundalo na wala naman aniyang bitbit na warrant of arrest buhat sa korte.

“Lumabas ka! Wag kang magtago sa saya ng Senado!” Sabi roon ni Padilla.

Payo ng mga senador at mga abogado ni Trillanes na huwag itong lumabas ng gusali hanggang hindi naipalilinaw ang pagbawi sa amnestiya nito at ang pagpapaaresto rito ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?