4,049
duterte-trillanes
By

Trillanes kay Duterte: Katapusan mo rin ang pagpatay sa akin

Sharing is caring!

Hinamon ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan na siyang ipapatay.

Sinabayan ito ng babala na magiging katapusan din ng Presidente kapag ipinapatay siya nito.

“Go ahead, Mr. Duterte, order somebody to shoot me and it would lead to your end,” hamon ni Trillanes.

Sa isang talumpati sa Cebu, sinabi ni Duterte na malamang na may bumaril kay Trillanes balang araw dahil sa kahambugan nito.

Masyado aniyang kumpiyansa si Trillanes sa sarili dahil dating sundalo pero laging naghahanap ng gulo.

Ayon kay Trillanes, ang Pangulo lang ang may gustong mapatay siya dahil asar na sa kaniyang mga batikos.

“Now, as to his threat that somebody would shoot me someday, only Duterte would want me dead because it irks him that somebody dared to stand toe to toe with him. My standing up to him makes him look weak and powerless, which is contrary to his objective of making the whole Filipino society afraid of him,” pahayag ni Trillanes.

Ayon sa senador, kung naging matapang at rebelde man siya, ito aniya ay para labanan ang mga nanggigipit at tiwali na gaya ng Pangulo.

“During my entire public life, I have stood up and fought against the crooked, the corrupt, the oppressors and abusers of power like Duterte. I have never bullied the helpless and innocent,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?