413
Trillanes
By

Trillanes kay Digong: Di mo nga maayos ang barong mo, buong bansa pa

Sharing is caring!

Bagama’t binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang naunang pahayag sa planong pagtatatag ng “revolutionary government,” binakbakan pa din ito ng kanyang No.1 critic na si Senador Antonio Trillanes IV.

“Sabi ni Duterte kailangan daw nya ng rev gov (revolutionary government) para ayusin ang Pilipinas. Ang sa akin naman, 17 months ka na sa pwesto, wala ka namang naaayos. Pati pagsuot mo ng barong hindi mo nga maiayos, buong bansa pa,” pahayag ni Trillanes sa kanyang Twitter account.

“Bumenta na nung kampanya yung linya mo na ‘aayusin ko ang bansa in 3 to six months’ kaya hindi ka na makakaulit,” dagdag pa nito.

Nauna rito, binawi ni Duterte ang naumang planong pagtataga ng revolutionary government para mahuli ang mga kumakalaban sa kanyang administrasyon. Aniya, ipapahuli na lang ang mga ito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?