1,187

By

Trillanes kay Calida: ‘Di ako magso-sorry, magdemanda ka kung gusto mo!

Walang balak si Senador Antonio Trillanes IV na humingi ng paumanhin kay Solicitor General Jose Calida na inakusahan niyang ‘nagnakaw’ ng kaniyang aplikasyon para sa amnestiya.

“He is in no position to demand anything,” sabi ni Trillanes.

“Alam niya ang katotohanan. Alam ng Pilipinas at this point ang katotohanan,” dagdag nito.

Una rito, sinabi ni Trillanes kahapon na si Calida ang garantisadong kumuha ng kaniyang amnesty application at malamang na nagtago o sumira na nito.

Naglaho na umano iyon dalawang linggo makalipas na ihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hinanap ni Calida ang kaniyang aplikasyon.

Ang paglalaho nito ang dahilan ng pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang amnestiya.

Hindi naman natinag si Trillanes sa banta ni Calida na kakasuhan siya ng libelo.

“Kung magpa-file siya gawin nya. Eh trip niya ‘yan ‘di ba? He can do whatever he wants,” giit ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?