185

Trillanes kakasuhan ng plunder si Teo, Tulfo bros sa P60-M DOT ad

Sharing is caring!

Inihayag kanina (Lunes) ni Senador Antonio Trillanes IV na sasampahan ng kasong plunder sina dating Tourism secretary Wanda Teo at mga kapatid kaugnay ng kontrobersiyal na P60 milyong advertisment deal sa gobyerno.

“I intend to file a plunder case against the Tulfo siblings in relation to the P60M DoT (Department of Tourism) ad controversy,” pahayag ni Trillanes sa isang statement.

Ginawa ni Trillanes ang pahayag matapos sabihin ni Ben Tulfo, kapatid ni Teo, na hindi niya ibabalik ang P60 milyon sa gobyerno.

“Sa mga nagsasabing isauli ang pera at hinihintay daw ang P60 M, mamuti na mga mata niyo! Wala kaming isasauli! Sa mga nagsasabing ilegal at nangulimbat kami, eh di sampahan niyo kami ng kaso, tutal nandiyan naman ang COA (Commission on Audit) at Ombudsman!” naunang pahayag ni Tulfo sa kanyang Facebook page noong Hulyo 25.

“Anong isasauli? Maniningil pa nga kami dahil may utang pa sa amin ang principal na PTV-4 doon sa kanilang kliyente, ang DOT (Department of Tourism),” dagdag pa nito.

Nanawagan din Trillanes sa Senate blue ribbon committee na aksiyunan ang resolusyong nanawagan para sa imbestigasyon na nasabing isyu.

“So we could determine the magnitude of corruption, specifically, how much more of the people’s money was squandered by the previous DoT leadership,” ani Trillanes.

Nag-ugat ang issue mula sa COA report noong 2017 kung saan nagbayad ang state-run People’s Television ng P60 milyon sa Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) para sa pag-ere ng DOT advertisements sa isang sa kanilang mga programa.

Ang ads ay ipinalabas sa Kilos Pronto, isang blocktimer show kung saan hosted ang magkapatid na sina Ben at Erwin Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?