851

Oct 9, 2021 @ 11:39
By

Trillanes: Isko naglabas na ng tunay na kulay

Maliwanag umano na pagpapanggap lamang ang pinalalabas ni Manila Mayor Isko Moreno na nasa gitna lamang ito ng administrasyon at ng oposisyon, ayon kay dating senador Antonio Trillanes IV.

Ani Trillanes, ipinakita na ni Moreno ang tunay na kulay nang tawagin ng huli na pekeng lider si Vice President Leni Robredo at gumamit pa ng salitang “yellowtards”.

Saad ng dating senador, kalimitang ginagamit ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “yellowtards” para tirahin ang mga tagasuporta ng Liberal Party (LP) o oposisyon.

“You would have to be a die-hard Duterte supporter for you to even come up with such words. Maliwanag na sa lahat na, all that illusion that this guy is in the middle and courting the moderates, wala ‘yun. Pagpapanggap ‘yun. So, I’m glad na nag-out na siya this early,” saad ni Trillanes sa panayam sa ANC.

“‘Yan ‘yung saloobin ni Isko. That’s what I’ve been telling that he was never with us in the opposition. Because kung nasa opposition ka, you wouldn’t even utter those words, much less to the Vice President,” giit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?