354

May 23, 2019 @ 19:16
By

Trillanes ipapatawag ni Bong Go sa Senado

Malinaw na umanong black propaganda ang ginawang pagdawit ni alyas Bikoy sa mga miyembro ng pamilya Duterte at malapit dito sa iligal na droga na hindi umubra.

Sa panayam kay Senator-elect Bong Go sa dzmm, nag-backfire umano ito at nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simpatiya ng taumbayan.

Matatandaang isa si Go sa mga tinukoy sa mga serye ng “Ang Totoong Narco List” videos ni Bikoy kung saan napilitan ang bagong senador na maghubad ng damit para patunayang wala siyang dragon tattoo na code umano sa sindikato.

Sa ngayon umano ay wala nang kredibilidad si Bikoy o Peter Joemel Advincula at dapat imbestigahan ang mga taong nasa likod nito.

Naniniwala rin aniya siya na si Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod nito at ang oposisyon dahil sinakyan ng mga ito ang isyu para siraiin ang Pangulo at mga kandidato nito.

Sinabi rin nitong hintayin din umano ni Trillanes na baka ipatawag din niya ito sa pagdinig sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?