395

Feb 24, 2021 @ 13:58
By

Trillanes: Ipakukulong namin si Duterte next year

Inihayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na kitang-kita ang takot sa mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtuligsa nito sa kanya.

Ayon kay Trillanes, sa halip na magalit, dapat mag-relax lang si Duterte at ituon ang pansin sa COVID-19 vaccine rollout.

“Kitang kita ang takot sa mga pananalita ni Duterte. Relax lang s’ya. Tutukan lang n’ya ang vaccine rollout. Next year pa naman namin s’ya ipapakulong,” he said.

Noong Martes, nagbabala si Duterte sa publiko laban kay Trillanes na pangunahing nitong kritiko.

“Be careful of Trillanes. Be careful of Trillanes. Magbantay kayo. He will sell you to the devil. Pag ‘yan ang nakaupo? Patay. Walang hiya ‘yan, sa totoo lang,” sabi ni Duterte.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pakikipagpulong nito sa mga lokal na opisyal at miyembro ng gabinete sa Surigao del Sur.

Muling sinabi pa nitong hindi tatakbo ang kanyang anak na si Davao City Sara Duterte sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: