5,343
trillanes2
By

Trillanes inupakan ang pananamit ni Duterte: ‘Kulang na lang mag-sando’

Sharing is caring!

Binatikos ni Senador Antonio Trillanes IV ang pananamit ni Pangulong Rodrigo Duterte nu’ng dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Singapore at sa kaugnay nitong mga pagtitipon sa Papua New Guinea.

Pinuna nito na si Duterte lamang ang dumalo sa mga pagtitipon at sumama sa “family picture” ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa nang naka-simpleng polo na bukas pa ang mga butones.

“Nakita ninyo ang hitsura niya? Naka-postura ang lahat ng mga tao dun. They respect their office. Itong tao, sa akin na lang, kulang na lang mag-sando siya eh,” sabi ni Trillanes.

“Ganun siya kabastos at walang konsiderasyon sa ibang tao. Talagang hindi maganda,” dagdag nito.

Sa pulong balitaan sa Senado, inungkat muli ni Trillanes ang mga “power nap” ng Pangulo kaya hindi nakadalo sa mga APEC event.

Sa kaniya umanong impormasyon, hindi lang basta nag-power nap ang Pangulo kundi nagkulong pa sa kuwarto at matagal na natulog.

“Base sa impormasyon din namin at base sa pagpo-profile natulog talaga siya, nagkulong sa kuwarto. Patunay na itong si Duterte ay physically unfit to fulfill his duties as President of the country,” sabi ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?