391

By

Trillanes inggitero – Malacañang

Sharing is caring!

Sinagot ng Malacañang ang negatibong pagtanggap ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa all-time high 88% na satisfaction at trust ratings nito sa survey na inilabas ng Pulse Asia.

Kasunod ito ng pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na mga taga-Davao umano ang kinuhang respondents sa survey kaya mataas ang nakuhang marka ng Presidente.

Maiksing “ang asim” ang sagot ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ng senador.

Ang publiko aniya ang magsasabi kung may nakikitang ginagawa at may pagbabagong isinusulong ang administrasyon.

Sinabi naman ni Special Assistant to the President Bong Go na “inggitero” si Trillanes dahil hindi matanggap na nakikita ng publiko na may pagbabagong nangyayari at alam na may ginagawa ang gobyerno para sa bansa.

“Alam mo naman si Mr. Trillanes, inggitero ‘yan eh. Sa mga kritiko, mag-aral kayo ng math,” ani Go.

Naunang inihayag ng Pangulo na hindi siya interesado sa surveys na inilalabas ng mga survey firm dahil hindi aniya ito interesado sa popularity at sa halip ay trabaho lang ang tutok nito para sa mga Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?