197

By

Trillanes inalisan ng police escorts

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Senador Antonio Trillanes IV na wala na siyang police escorts noong Hunyo.

Ayon sa senador kahapon (Hulyo 13), basta na lamang umanong kinuha ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (PNP) ang security detail niya nang walang sinasabing dahilan.

Ito’y ilang araw matapos ang sunod-sunod na pagpatay laban sa mga lokal na opisyal.

Nang tanungin kung ang pagtanggal sa police security niya ay maaaring maging daan para sa pagtatangka sa kanyang buhay, sinabi ni Trillanes na: “Subukan lang nila.”

Muli naman nitong pinatutsadahan si Pangulong Rodrigo Duterte, na ito umano ang posibleng manakit sa kanya.

“Kilala ko si Duterte, by now duwag ‘yan,” aniya.

Samantala, inalo naman ng senador ang takot ng kanyang mga tagasuporta hinggil sa maaaring maging banta sa kanyang buhay.

“Wag silang mag-alala dahil siguro by this time I know how to take care of myself. I’m okay at the least. I know God has a plan. Kung oras mo, oras mo,” dagdag pa niya.

Sa panig naman ng PNP-Police Security and Protection Group, sinabi ni Director Senior Superintendent Filmore Escobal nitong Sabado na muli nilang susuriin ang naging desisyon na i-recall ang security detail na nakatalaga kay Trillanes.

Paliwanag ni Escobal, hindi na umano ni-renew ng PNP ang assignment ng police escorts ni Trillanes dahil mayroon na umano itong anim na bodyguard – dalawa mula sa AFP, dalawa mula sa Philippine Navy, at dalawa mula sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?