750

Sep 12, 2018 @ 10:16
By

Trillanes: Ilabas ang health records ni Duterte!

Hinamon ni Senador Antonio Trillanes IV ang Malacanang na ilabas ang health records ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pulong balitaan matapos ang panayam kay Duterte, sinabi ni Trillanes na “mukhang may karamdaman” ang pangulo.

Sinabi rin na parang nakainom ng alak ang pangulo dahil paulit-ulit ang mga sinabi sa loob ng isa’t kalahating oras na panayam dito ni Presidential Adviser Salvador Panelo.

“Siguro napansin ng mga kababayan natin, pag nakita nyo siya even the way he speaks parang galing sa inuman e di ba? Paulit-ulit. May 10 beses na umuulit-ulit. Sabi ko nakatagay ba ito sa Malacañang bago humarap sa camera?” sabi ni Trillanes.

“The way he looks para ring lasing. Mukha ring may karamdamang malubha. Wala na ito sa maayos na pag-iisip kaya ako nananawagan ako na i-produce nila ang health records ni Mr Duterte,” dagdag nito.

“Delikado sa kamay ng isang kagaya nya ang mamuno sa ating bansa,” hirit pa ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?