60

By

Trillanes hindi pa ipapaaresto, Digong susundin ang proseso sa korte

Sharing is caring!

Makakatulog pa ng mahimbing si Senador Antonio Trillanes IV dahil hindi ito ipapaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggat hindi lumalabas ang warrant of arrest nito mula sa Regional Trial Court.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpulong kagabi ang mga gabinete ng Pangulo at tinakalay kung ano ang dapat na maging posisyon sa pagpawalang-bisa sa amnestiya ni Trillanes.

Ayon kay Roque, hihintayin ng Presidente ang desisyon ng RTC sa pagpapalabas ng warrant of arrest para kay Trillanes.

“Nagkaroon po ng pagpupulong si Presidente sa lahat ng gabineteng sumama sa biyaheng ito at napag-usapan kung ano ang magiging posisyon ng administrasyon tungkol sa pag-revoke ng amnesty kay Senator Trillanes at pagkatapos ng mahabang talakayan, nagdesisyon ang Presidente that he will abide with the rule of law. Aantayin po niya ang desisyon ng hukuman, ng regional trial court kung sila ay mag-iisyu ng warrant of arrest.

“Ang desisyon ng Presidente is he will allow the judicial process to proceed, and he will await the issuance of appropriate warrant of arrest if there is indeed one to be issued before senator Trillanes is arrested and apprehended,” ani Roque.

May nauna ng mosyon ang Department of Justice (DOJ) sa Makati regional trial Court na humihiling na magpalabas ng warrant of arrest laban sa senador.

Nakahanda aniyang maghintay si Pangulong Duterte sa magiging desisyon ng Makati RTC, kahit pa maaari naman nitong atasan ang military court na maglabas ng warrant of arrest.

Bilang isang fiscal, batid aniya ng Presidente ang criminal procedures kaya nanindigan ito na dapat masunod ang rule of law at judicial process.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?