51

By

Trillanes hindi na susubok lumabas ng Senado

Sharing is caring!

Sa kabila ng pagsiguro ng Malacañang na hindi siya aarestuhin, hindi pa rin lalabas si Senador Antonio Trillanes IV sa gusali ng Senado.

Ayon sa senador, gigil si Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay ipaaresto at ipakulong kaya hindi niya panghahawakan ang garantiya kahit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi siya gagalawin.

Idiniin na madalas na binabaligtas ng Pangulo ang mga pasya at pahayag ni Lorenzana.

“Pagkaganun nangyari, sasabihin ni Duterte na utos ko ‘yan. Tapos na. Regardless of what somebody said earlier, whether it is Secretary Lorenzana,” sabi ni Trillanes.

Patunay na umano ng panggigigil na siya’y maipakulong ang pagbuntot ng mga lalaki sa kaniyang sasakyan kahapon, Huwebes, at noong Miyerkoles ng gabi.

“Ang gagawin nila dito, they will track me and then intercept me at some point and then take me in,” pahayag nito.

“These whole episode is about having me arrested… but we will not make it easy for them,” diin nito.

Lalabas na lang si Trillanes sa Senado kapag may pinal na desisyon na ang Korte Suprema o kaya ay lower court sa kaniyang petisyon na ibasura ang Proclamation 572 na bumabawi sa kaniyang amnestiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?