57

Dec 25, 2017 @ 18:32

Trillanes hindi bumilib sa pagbibitiw ni Pulong

Hindi bumenta kay Sen. Antonio Trillanes ang sinabi ni Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte na nagbitiw ito sa pwesto bilang delicadeza dahil idinawit ito sa drug smuggling at nakipag-away sa anak sa pamamagitan ng social media.

Tinawag nya itong malaking kalokohan dahil napawalang-sala na aniya si Pulong ng Senate blue ribbon committtee habang nakipag-away ito sa anak sa pamamagitan ng posts sa Facebook.

“Delicadeza, seriously? Pinatulan nga nya ung anak nya publicly sa facebook, tapos delicadeza?” ani Trillanes.

“Besides, he has already been cleared months ago by Gordon’s committee de abswelto,” dagdag pa nito.

Sa tingin ni Trillanes, nagbitiw ai Pulong para unahan ang imbestigasyon dito ng Ombudsman.

Malamang din umano na gustong pagtuunan ni Pulong ang mga negosyo nito.

“So, that’s pure BS. He is probably just preempting the numerous investigations against him by the Ombudsman. Also, he most likely needs more time to focus on managing his multi-billion peso businesses,” Ani Trillanes. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?