236

Nov 9, 2017 @ 16:48
By

Trillanes: Hindi ako takot sa demanda nila

Inihayag ni Senador Antonio Trillanes IV na hindi siya natatakot sa banta ng isang grupo ng abogado na sasampahan siya ng mga kasong kudeta at inciting to sedition.

Ayon sa senador, pakikinabangan niya ang mga kaso kahit malaking kalokohan ang mga ito.

Ipinaliwanag ni Trillanes na kapag inutusan siya ng korte na ipagtanggol ang kaniyang sarili, mahihingan niya ang korte ng subpoena na mag-uutos sa mga bangko na ilabas ang sinasabi niiyang bank records ni Pangulong Duterte.

Matatandang pinaratangan ni Trillanes si Pangulong Duterte ng pagkukubli ng P2 bilyon sa bangko pero hindi mailabas ang pruweba rito dahil sa Bank Secrecy Law.

“No matter how absurd these cases may seem, I actually welcome them because, as part of my legal defense, I would be able to prove my claim on Duterte’s ill-gotten wealth,” ayon kay Trillanes.

“Specifically, I would be able to ask the court to subpoena his bank documents as an exemption to the Bank Secrecy Law,” pahayag pa rin nito.

Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras na isang grupo sila ng mga abogado na magsasampa ng kaso laban kay Trillanes dail inudyukan umano ang militar na patayin si pangulong Duterte.

Tinukoy ang sinabi ni Trillanes sa isang privilege speech noong Oktubre 3 na pwedeng patayin ng militar ang Pangulo kapag nakita na katakot-takot nitong kayamanan.

Bunsod naman iyon ng sinabi ng pangulo sa mga nakaharap na sundalona pwede siyang barilin kapag napatunayang totoo ang bintang ni Trillanes na mayroon siyang bilyon-bilyon sa bangko at kapag lagpas sa P40 milyon ang pera nya sa bangko. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?