By

Trillanes: Hindi ako takot sa demanda ni Pulong

Sharing is caring!

Minaliit ni Senador Antonio Trillanes IV ang banta ni dating Davao Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte na kakasuhan siya ng libelo dahil idinawit niya sa smuggling ng 604 kilogram ng shabu.

Ayon sa senador, kaya naman niyang panindigan ang kaniyang paratang.

Naiharap umano niya sa pagdinig ng Senado ang mga circumstantial at direct evidence na laban kay Pulong na aniya ay idinawit ng Customs fixer na si Mark Taguba.

“I will not be cowed. I’ll face the lawsuit squarely,” ayon kay Trillanes.

Sa isang press statement, sinabi ni Pulong na kakasuhan niya ng libelo si Trillanes dahil sa pag-iimbento na may kinalaman siya smuggling ng shabu.

Ayon kay Trillanes, gusto lang siyang takutin at guluhin ni Paolo at ng buong pamilya nito.

“Clearly, this is another frivolous lawsuit and is meant to harass and divert my attention,” ani Trillanes.

Bago ang banta ni Pulong na kasong libelo, sinabi aniya ni Pangulong Duterte kamakailan na may babaril na lang sa kaniya/

Ginagamit naman aniya ng administrasyon ang justice system para gipitin at patahimik silang mga nasa oposisyon.

Nagtatago rin naman aniya ang pangulo sa presidential immunity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?