330

By

Trillanes: Hindi ako puwedeng arestuhin dahil sa libelo

Sharing is caring!

Itinuturing ni Senador Antonio Trillanes IV na harassment ang pagpapaaresto sa kaniya ng isang korte sa Davao City dahil sa kasong libelo na isinampa ni Paolo Duterte, anak ng Pangulo.

“Baliktad ang hustisya sa gobyerno ni Duterte. Ang mga mandarambong ay pinalaya na. Ang mga kritiko naman ay gagawan ng kaso para pilit na maikulong,” sabi ni Trillanes.

Tiniyak namang haharapin niya ang kaso at sa katunayan, binalak umano niyang sumuko.

Idiniin naman na hindi puwedeng dakpin kahit hindi pa siya makapagpiyansa.

Batay sa payo ng kaniyang mga abogado, sinabi nito na hindi siya puwedeng dakpin dahil ipinagbawal ng Department of Justice ang pag-aresto sa mga akusado ng minor cases gaya ng libelo kapag Biyernes, Sabado at Linggo.

Bukod dito, protektado umano siya ng Konstitusyon.

“However, I was informed by my lawyers that the service of warrants of arrests for minor cases like libel on Fridays, weekends and holidays is prohibited per existing DOJ circular and that under Article VI, Section 11 of the Constitution, as a member of Congress, I am privileged from being arrested in cases punishable by less than six (6) years imprisonment while Congress is in session,” diin nito.

Sa Lunes siya maglalagak ng piyansa.

“So, instead of turning myself in, which is apparently not possible under the circumstances, I will just post bail before the appropriate court on Monday,” sabi ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?