3,054

By

Trillanes handa na ang mga ‘bala’ laban sa Duterte admin

Sharing is caring!

Kasado na ang pagbuwelta ni Senador Antonio Trillanes IV sa Duterte administration na nabigong ibalik siya sa bilangguan.

“Punong-puno tayo ng energy ngayon. Bantay lang sila. Nakabwelo na tayo ngayon,” banta ni Trillanes matapos ang pagbasura ng petisyon ng Department of Justice (DOJ) na siya ay arestuhin.

Ilalabas umano niya ang mga hawak niyang impormasyon at katibayan ukol sa umano’y katiwalian ng mga nasa Duterte administration.

Bukod ito sa mga dati na niyang paratang laban kay pangulong Rodrigo Duterte.

“Nandun na tayo sa punto na may hawak tayong mga ebidensya. Hindi lang ito kay Calida (Solicitor General Jose Calida), pati kay Bong Go at iba pa,” pahayag pa ni Trillanes.

Idiniin na bahagi ito ng kaniyang tungkulin bilang kasapi ng oposisyon.

“I will just continue my job, nothing changes. I will be the same critic. I will be upholding my role as a member of the opposition. Kailangan ng demokrasya ang oposisyon na pumupuna ng mga anomalya ng administrasyon at kumokontra sa mga pang-aabuso nito,” pahayag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?