245

May 13, 2021 @ 19:58
By

Trillanes gusto ka-tandem si Grace Poe

Kung siya ay tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections, nais ni dating senador Antonio Trillanes IV na si Senadora Grace Poe ang kanyang maging vice president.

“Ang instinct ko is si Senator Grace Poe but that would be presumptuous of me to assume na sa akin siya pupunta,” sambit ng dating mambabatas sa panayam sa One PH kahapon, Mayo 12.

Noong Miyerkoles inanunsyo ni Trillanes na pinalitan ng Magdalo group ang status niya mula sa pagiging alternate candidate kay Vice President Leni Robredo ay siya na ang principal candidate para sa pagka-pangulo ng 1SAMBAYAN coalition dahil naghahanda umano ang huli para sa gubernatorial race.

Pinabulaanan naman ng kampo ni Robredo ang pahayag ni Trillanes.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, wala pang desisyon si Robredo kaugnay sa 2022 elections kaya walang katotohanan na naghahanda na ito sa gubernatorial race.

Bukas aniya ang Bise Presidente sa lahat ng posisyon kabilang na ang kandidatura para sa pagka-pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?