247

Oct 24, 2017 @ 13:36

Trillanes, “father of fake news” – Binay camp

Ang indictment o pagsakdal ng Department of Justice sa kasong libel kay Senador Antonio Trillanes IV ay patunay lang isa umano siyang fake crusader, ayon sa kampo ni dating Vice President Jejomar Binay.

“The indictment also exposes Trillanes as a fake crusader against fake news,” pahayag ni Joey Salgado, tagapagsalita ng dating Bise Presidente.

Ayon pa dito, kung tutuusin aniya’y si Trillanes ang nagsimula na pagpapakalat ng fake news dahil sa maling mga akusasyon na ipinaratang nito sa pamilya Binay noong pang 2015.

“Kung pagbabatayan ang kasong isinampa ng DOJ, lumalabas na si Senator Trillanes ay nagkakalat ng fake news simula pa noong 2015,” ani Salgado.

“He deserves the unflattering title “father of fake news in the Philippines,” dagdag pa nito.

Noong Lunes, sinampahan ng DOJ sa Makati Regional Trial Court ng kasong libel si Trillanes kaugnay na pahayag nito sa media noong 2015 laban kay dating Vice President Jejomar Binay.

Ang libel case, na inihain ni Binay noong Setyembre 2015, ay nag-ugat sa pahayag ni Trillanes sa Philippine Daily Inquirer na uungkatin ng Senate blue ribbon committee ang diumano’y P100 milyong raket nito sa Makati City.

Ayon pa sa kampo ni Binay, ang kaso kay Trillanes ay patunay lang din na ang ginawang imbestigasyon noon ng Senado laban sa kanila ay “in aid of political demolition, not legislation”.

“The indictment is a vindication for former Vice President Binay. It confirms what we have been saying all along: that the Senate hearings were in aid of political demolition, not legislation.

And Senator Trillanes hid behind his parliamentary immunity in order to pollute the people’s minds with lies as part of a well-orchestrated demolition job against former Vp Binay,” sabi pa ni Salgado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?