6,376

By

Trillanes: Extra tattoo removal session kailangan ni Bong Go, may tira-tira pa!

Inakusahan ni Senador Antonio Trillanes IV si dating presidential aide at ngayo’y senatorial candidate Christopher ‘Bong’ Go na mayroon umanong triad tattoo na pinatanggal lamang nitong sa mga eksperto.

Ibinahagi ni Trillanes sa kaniyang Twitter ang mga screenshot ng larawan ni Go kung saan ay makikita umano ang tattoo nito habang naglalaro ng basketball.

Aniya, kailangan ni Go ng additional sessions upang ipaalis ang mga tira-tirang tattoo sa likod nito.

“Huli ka! So,Bong Go HAD a triad tattoo afterall. Magpa-additional laser tattoo removal sessions pa dapat si Bong Go bago naghubad kasi may mga bakat at tiratira pa,” ani Trillanes sa kaniyang tweet.

Hinamon din ni Trillanes si Bong Go na magpatingin ito sa dermatologist upang mapatunayan na hindi nito ipinabura ang tattoo.

“Ngayon,if he still insists na wala talaga,then ipa-examine natin PUBLICLY sa mga INDEPENDENT dermatologists. Pusoy!” saad ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?