392
views

By

Trillanes, espesyalista ng demonyo – Roque

Sharing is caring!

Bumuwelta ng banat ang Malacanang kay senador Antonio Trillanes IV bilang sagot sa pahayag nito na may sungay ang kinikilalang diyos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagmimistulang espesyalista na ng demonyo si Trillanes dahil walang ibang sinabi kundi si satanas.

Hahayaan na lamang aniya ng Palasyo ang papel ng senador kaugnay sa ginagawa ng demonyo.

“Ewan ko ba parang nagiging specialist na on the devil itong si Senator Trillanes. Wala ng sinabi kung hindi devil. So I’ll leave it to him as the specialist on what the devil does,” ani Roque.

Nauna rito sinabi ng senador na baka may sungay ang Diyos ng Presidente dahil kahit aniya lumuhod pa sa asin ang mga inatasan nito na makipagdayalogo sa simbahan ay wala ring mangyayari dahil hindi naman ang mga ito ang nagsalita laban sa Diyos.

Ayaw na ring patulan ni Roque ang iba pang mga banat ni Trillanes sa Pangulo tulad ng pahayag na ‘gimmick” lamang ang ginagawa ng binuong panel dahil sa halip na makipagdayalogo ay humingi na lamang ng dispensa si Pangulong Duterte sa mga naging banat niya sa Simbahan at sa Diyos na tinawag nitong “stupid”.

“I think Senator Trillanes is entitled to his own opinion. I’m hardly surprised about this latest opinions, he’s had nothing good to say about the President. I think the feeling naman is mutual. So, no love lost there,”dagdag pa ni Roque. ()##

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?