50

Oct 20, 2020 @ 20:33
By

Trillanes: Duterte wala pang kinasuhang big-time drug lord

Bumanat si dating Senador Antonio Trillanes IV kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala umano itong pinapanagot na big-time drug lord.

Sa tweet ni Trillanes, sinabi nito na ‘dense’ na tao lang ang hindi makakapansin sa umano’y hindi pag-aksyon ng Pangulo sa malalaking isda sa iligal na droga.

“For all his yapping against drugs, duterte has yet to file a single case against big-time druglords. One would have to be so dense not to figure this out,” ayon sa tweet ni Trillanes.

Sa talumpati ni Duterte nitong Lunes, sinabi nito na tuloy pa rin ang kanyang laban kontra iligal na droga sa kabila ng pagkontra ng mga human rights group.

“Ito lang talaga ang masasabi ko,mnagwa-warning talaga ako sa inyo, lalo na yung mga dealer. Galit ako sa droga. Kaya kung mamatay ka, kasi galit ako sa droga,” saad ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?