611

Dec 2, 2021 @ 22:01
By

Trillanes: Duterte may secret candidate kapag na-disqualify si Marcos Jr.

Inihayag ni dating senador Antonio Trillanes IV na kapag na-disqualify sa presidential race si Ferdinand Marcos Jr., lalabas na mayroong sikretong kandidato si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sa Comelec, dito natin makikita kung sino ang admin candidate. Kung madi-disqualify si Bongbong Marcos ng Comelec, ibig sabihin hindi sumapi sila Duterte. Ibig sabihin nun mayroon silang secret candidate,” lahad ni Trillanes sa panayam nina Ina Andolong at Michael Fajatin sa “Politiskoop”.

“Pero kung hindi siya i-disqualify, it’s either neutral sila o nagsanib-puwersa sila kay Bongbong Marcos so ‘yung disqualification case ni Bongbong Marcos actually is the ultimate manifestation kung nasaan si Duterte,” dugtong ng dating senador.

Nitong Huwebes panibagong disqualification petition ang inihain sa Commission on Elections laban kay Marcos Jr.

Tulad ng mga naunang disqualification petition, iginiit sa bagong disqualification case laban kay Marcos Jr., ang kanyang 1995 conviction dahil sa kabiguang mag-file ng kanyang income tax returns.

Kabilang sa mga lumagda sa petisyon sina Akbayan First Nominee Perci Cendaña at dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales.

Ito na ang ikalimang disqualification petition na isinampa laban kay Marcos Jr. sa Comelec.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?