157

Jul 13, 2021 @ 18:10
By

Trillanes: Duterte-Duterte tandem ‘isusuka’ ng mga Pilipino

Kumpiyansa si dating senador Antonio Trillanes IV na ire-reject ng mga Pilipino ang tambalang Duterte-Duterte sa 2022 elections.

Aniya, naranasan na kasi ng mga Pilipino ang “brand of service” ng mag-amang Duterte.

“Let them be rejected. Ako, mas prefer ko ‘yan tumakbo as vice president para dalawang Duterte ire-reject totally ng mga Pilipino,” lahad ni Trillanes sa panayam sa Teleradyo nitong Martes.

“It will not protect him pero alam n’yo ang attitude ko diyan is, sige patakbuhin sila, patakbuhin si Sara, presidente. Siya, as vice president, kasi naniniwala naman ako na ‘yung mga Pilipino hindi na ito pauulitin,” saad pa ni Trillanes.

“Kasi sinampolan na sila ng kanilang brand of service. Wala eh, talaga lang palpak,” patuloy pa niya.

Matatandaang sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey nitong July 13, nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte at amang si Pangulong Duterte sa pinapaborang posibleng kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa May 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?