29

By

Trillanes ‘di bilib sa ‘purging regime’ ni Duterte

Sharing is caring!

Hindi bumilib si Senador Antonio Trillanes IV sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pa itong sisibaking tiwali sa gobyerno.

Ayon kay Trillanes, maniniwala lang siya na naglilinis talaga si Duterte sa gobyerno kung ipapakita na sa publiko ang bank records nito.

Dati nang inaakusahan ni Trillanes si Duterte ng pagtatago ng higit P2.2 bilyon sa bangko na umano’y natipon noong alkalde pa ito ng Davao City.

Sa isang pagtitipon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na marami pa siyang sisibaking tiwali sa gobyerno at maaaring umabot sa 70 kabilang ang tatlong heneral at isang pinuno ng government agency

Sinabi doon ng Pangulo na “purging regime” ang kanyang pinaiiral dahil maraming oras ang kanyang ginugugol sa paglilinis ng gobyerno.

“Maniniwala lang ako sa purging na ‘yan ni Duterte kapag ipinakita niya na ‘yung mga bank accounts niya,” sagot ni Trillanes.

“Kasi hanggang ngayon hindi pa rin niya maipaliwanag kung bakit meron siyang bilyon-bilyon sa bangko,” dagdag pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?