514

Jun 25, 2018 @ 12:31
By

Trillanes: Demonyo si Duterte

Sinabi ito ni Senador Antonio Trillanes IV matapos lumabas sa bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katagang “stupid God.”

“It should be clear now to everyone that Duterte is one evil man,” ani Trillanes.

Ayon sa senador, kaisa siya ng sambayanan sa mariing pagkondena sa pagtuligsa ng Pangulo sa Kristiyanismo at sa Diyos mismo.

Nag-aasta umanong diyos ang Pangulo sa paghahambog at kawalang respeto nito sa pananampalataya ng marami.

“It is the height of arrogance of power not only to disrespect and spit on an individual’s faith but also to act as though he is god,” sabi pa ni Trillanes.

Dito aniya nakita kung bakit walang puso at malupit ang mga polisiya ng Pangulo.

“Worse, Duterte’s statements betrays the nature of his evil mind and is very much consistent with the deceitfulness, heartlessness and ruthlessness of his policies,” dagdag ng senador. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?