130

By

Trillanes dedma sa banat ni Mayor Sara

Sharing is caring!

Hindi na pinatulan ni Senador Antonio Trillanes IV ang banat sa kaniya ni Davao City Mayor Sarah Duterte – Carpio na idinaan sa social media.

Ayon kay Trillanes, wala siyang panahong pumatol sa anak ng pangulo.

Aniya, sapat nang kanyang ibinuga ang impormasyon na patatakbuhin ang alkalde sa pagkapangulo sa 2022 kapag hindi nagtagumpay si Pangulong Duterte sa mga binabalak nitong paraan para maging habambuhay na sa pwesto.

Sa kaniyang Instagram account, sinabi ni Mayor Sara na lubayan siya ni Trillanes dahil kung hindi, gagastos ito at mga kaalyado nito ng bilyon para lang siya maging “insignificant” sa 2022 presidential elections.

“Hindi ko na lang siguro papatulan ‘yan. I don’t have time for that,” sabi ni Trillanes.

“Nilalatag ko lang ito as a matter of fact na ito, ito ‘yung plano nila,” dagdag ni Trillanes.

Unang sinabi ni Trillanes ang umanoy balak ng mag-amang Duterte kahapon kaya naman nanggaliiti ang mayor.

“President Duterte imagines you will be shot, on the other hand, I will make sure you are alive and in pain,” sabi ni Mayor Sara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?