7

Aug 4, 2020 @ 17:19
By

Trillanes: Dapat magbahay-bahay para sa libreng COVID test

Hinikayat ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang gobyerno na magsagawa ng libreng mobile o door-to-door polymerase chain reaction (PCR) test sa mga barangay na may mataas ng kaso ng COVID-19 habang nakailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila kalapit ng mga probinsiya.

“Kung mag-lockdown ng two weeks pero wala rin namang gagawing makabuluhan, wala ring saysay. Lalo lang magko-collapse ang ekonomiya,” pahayag ni Trillanes sa isang statement.

Bukod diyan, nagbigay din si Trillanes ng ilang rekomendasyon para mapaganda ang COVID-19 response na maaring gawin sa loob ng dalawang linggo, sa panahon ng MECQ

Una, i-convert ang ilang public school bilang makeshift treatment center para sa mga pasyente na may moderate na kaso ng CoVID-19 gayundin ang mobilisasyon ng mga nursing student o walang trabahong nursing graduate na gagawing nursing assistant sa mga pampubliko at pribadong ospital.

Ipinanukala din ni Trillanes na i-hire din ang mga family doctor sa anim na buwang kontratra na may “generous compensation”.

Ayon pa kay Trillanes, dapat atasan din ng gobyerno ang mga alcohol at surgical mask manufacturer na dagdagan ang kanilang produksiyon at bilihin ang kanilang produkto para sa mass distribution sa mga ospital, fronliner at disinfection operation.

Sinisi din ni Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte sa kondisyon ng mga health worker na siyang frontline sa laban kontra pandemya.

“The pitiful condition of our healthcare workers is brought by the Duterte administration’s failure to provide a comprehensive and doable action plan to control the spread of the virus despite the long and harsh lockdown it implemented,” sabi ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?