72

May 15, 2021 @ 15:07
By

Trillanes binira bagong ‘jet ski scam’ ni Duterte

Tinawag ni dating senador Antonio Trillanes IV na panibagong “jet ski scam” ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito iaatras ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea patayin man siya ng China.

Sa “Talk to the People” ng Pangulo kahapon, Mayo 14, pinagbigay-alam ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Duterte na may namataang Chinese vessel na umiikot sa Kalayaan Island at Mischief Reef.

Dito sinabi ni Duterte na hindi niya aatrasan ang China kahit pa buhay niya ang maging kapalit.

“I do not want a quarrel, I do not want trouble. I respect your position, and you respect mine. But we will not go to war,” ayon sa Pangulo. “Hindi talaga ako aatras. Patayin mo man ako, kung patayin mo ako, dito ako.”

Napa-react dito si Trillanes, “Naku, jet ski scam na naman ‘yan. Ewan ko lang kung magpapaloko pa mga Pilipino diyan.”

“May tawag diyan sa kalye, ang tawag diyan pang-oonse na ‘yan. Naisahan ka na nung una, naloko ka, naisahan ka uli. Maoonse ang Pilipino niyan kung paniniwalaan pa nila si Mr. Duterte,” dagdag ng dating senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?