502

May 18, 2021 @ 14:50
By

Trillanes binara si Enrile: Mapagkakatiwalaan ako, hindi katulad mo!

Pinalagan ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang ibinabato sa kanya ni dating Senate President Juan Ponce Enrile hinggil sa kanyang naging papel bilang back-channel negotiator sa pagitan ng Pilipinas at China noong 2021 standoff sa Scarborough Shoal.

“Why did PNoy [former President Benigno Aquino III] appoint me as backchannel negotiator? Because he found me trustworthy unlike Enrile,” pahayag ni Trillanes sa kanyang post sa Twitter.

“Wag niyo ibahin ang usapan, wala sa Scarborough ang problema. Nalutas na ni PNoy yun. Wala ng mga barko ng China sa loob nun. Wala ring reclamation dun. Nasa Spratlys ngayon ang problema na ayaw harapin ni [D]uterte,” dagdag nito.

Noong Lunes ng gabi, kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Enrile, na inimbitahan nito bilang guest, si Trillanes kaugnay ng kanyang papel sa negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sabi ni Enrile, nilaktawan umano ni Trillanes ang ambassador ng Pilipinas sa China sa panahon iyon na si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, sa kanyang pagback-channel sa naturang bansa.

Subalit sagot ni Trillanes, dapat umanong tingnan munang mabuti ni Enrile ang kanyang “facts”.

“Why did I bypass Amb. Brady? Check your facts Mr. Enrile,” sabi ni Trillanes.

“Amb. [Sonia] Brady first went to Beijing in early August or late July when I was wrapping up the backchannel talks. She was never present at any backchannel meeting from May to July,” dagdag nito.

“Upon her arrival, at the first instance, I briefed her on the whole talks at the Ph Embassy WITH NO CHINESE PRESENT. That was the only time I met her. After that briefing, I concluded the backchannel talks,” ayon pa sa dating senador.

Ang Scarborough Shoal incident ay nagsimula noong Abril 2012 nang tangkaing ng Philippine na hulihin ang mga Chinese fishing vessel sa naturang teritoryo subalit hinarang mga Chinese marine surveillance ship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?