1,415
trillanes3
By

Trillanes: Basta komunista okay kay Duterte

Sharing is caring!

Sinisisi ni Senadora Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte sa tangkang pag-okupa ng grupong Kadamay sa housing project para sa mga sundalo at pulis sa Rodriguez, Rizal.

“Nung naging successful sila, ano ginawa ni Duterte? Bago daw matapos ‘yung taon last year ay bibigyan na nya ng mas malaki at mas magandang mga housing units ang mga sundalo. Nangyari ba? Hindi,” reaksiyon ni Trillanes.

“Basta’t komunista okay lang kay Mr. Duterte,” dagdag pa nito.

Ayon kay Trillanes, ang Kadamay ay malinaw na ‘front’ ng mga komunista sa bansa.

“Hindi ba itong mga kumunista na ito ay talagang pinasok nila ‘yung mga housing ng mga sundalo at pulis? So ganyan ngayon ‘yung nangyari,” diin ng senador.

Noong nagdaang taon, inokupa rin Kadamay ang housing project ng bayan ng Pandi at San Jose del Monte sa Bulacan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?